Tuesday, May 9, 2017

COINS.PH Tutorial Kung Paano ito Gamitin at Kung Paano Kumita Dito

Ano ang coins.ph 







Ang nakikita nyo sa itaas ay ang realtime na presyo ng bitcoin as of May 10, 2017




Ano ba ang Coins.ph


 - nandito ka dahil patuloy kang naghahanap ng impormasyon tungkol sa bitcoin. At ang paghahanap mo ng impormasyon tungkol sa bitcoin ang nagpapunta sayo dito. Kung hindi mo pa alam ang tungkol sa bitcoin ay inererekomenda ko muna sayo na basahin ang isa ko pang blog tungkol sa BITCOIN. Ito ang ANO ANG BITCOIN. Ang coins.ph kasi ay konektado sa bitcoin. Ang coins.ph ay isang BITCOIN WALLET na gumagamit ng internet para magkaroon ka ng access sa iyong WALLET. Para lalo pa nating maintindihan alamin muna natin kung ano ang BITCOIN WALLET.


Ano ang bitcoin wallet

Ang bitcoin wallet ay isang virtual na wallet na kung saan ay makakapagtago ka at makakapaglabas ng pera. Para itong online banking. Ang pagkakaiba nito sa online banking ay gumagamit ito ng BLOCK CHAIN at ang tinatawag na WORLD WIDE LEDGER. Kung saan kapag mayroon kang transaction sa iyong wallet ay marerekord ito sa pangkalahatang listahan. Mayroong dalawang uri ng BITCOIN WALLET ito ay

  • Software Wallet (offline) - Eto yung wallet na madodownload mo at ma-iinstall mo sa iyong computer o smart phone. Ang bitcoin ay maitatago sa iyong computer. Dahil dito kaylangan mo ng malaking space sa hard drive. Ikaw ang may kumpletong kontrol ng iyong wallet.


  • Web Wallet o Hosted Wallet (online) - Eto yung wallet na mayroong tinatawag na third party. Magkakaroon ka lang ng access dito kapag may internet ka. Mas madali itong gamitin kumpara sa sofware wallet dahil bukod sa may dagdag na proteksyon sa iyong wallet ay may mga inooffer pa silang mga programa kagaya ng online shopping, 24/7 access, online transfer atbp.

Ang coins.ph ay isang web wallet. Ito ay nagsimula noong 2014 dito sa pilipinas na nakabase sa manila. Maraming bitcoin wallet sa buong mundo pero dito sa Pilipinas maging sa Thailand ang pinakapopular ay ang coins.ph. Dahil na rin sa napakadali nitong gamitin. Eto ang ilan sa mga feature ng coins.ph






  • BITCOIN TO PESO TICKER - Dito malalaman ang kasalukuyang halaga ng bitcoin sa peso. Dito mo makikita ang buying price at selling price. Ang buying price ay ang halaga ng bitcoin kapag bibilin mo ito at ang selling price naman ay ang halaga ng bitcoin kapag iwiwithdraw mo na ito.

  • RESOURCES - Dito mo makikita ang blog at help center ng coins.ph. Mababasa mo din dito ang mga update tungkol sa bitcoin. Dito mo din makikita ang mga annoucement.

  • BUY LOAD - Dito ka makakabili ng load gamit ang pera sa wallet mo. Kapag nagload ka gamit ito ay mayroon kang 5% rebate.

  • PAY BILLS - Dito ka makakapagbayad ng bills online. Ang mga bills na pwedeng paggamitan nito ay Utility Bill ( tubig at kuryente ), Credit Card ( halos lahat ng bangko), Broadband, Cable Channel Provider, SSS Contribution, Philhealth Premium, Insurance, Tuition Fee, Telecom atbp.

  • SEND/ WITHDRAW -Dito ka makakapagsend at withdraw ng pera. Madali lang magsend ng pera dito at wala pang charge. Hanapin mo lang ang wallet address ng papasahan mo at pwede mo ng isend sa kanya. Sa pagwithdraw naman ay marami kang pagpipilian kagaya ng Cardless ATM instant payout, Bank withdrawal (BPI, BDO, Unibank etc), Cash Pickup ( Cebuana Lhuillier, Mlhuillier, Western Union etc), Globe Gcash, Door to Door Delivery ( LBC, 2go Quickcash etc) atbp.

  • WALLET - Eto ang wallet mo sa coins.ph. Dalawa ang wallet mo sa coins.ph. Ito ang PESO WALLET at BITCOIN WALLET. Kapag sa peso wallet mo nilagay ang pera mo ang halaga nito ay hindi magbabago. Katumbas pa rin nito ang halaga ng pera na dineposit mo. Kapag sa bitcoin wallet mo naman inilagay ang pera mo ay ang halaga nito ay mabilis magbago. Babase ang halaga ng pera mo sa halaga ng selling price ng bitcoin.

  • ADD MONEY - Dito ka makakapagdeposit ng pera sa wallet mo. Madali lang magdeposit ng pera sa coins.ph. Para makapagdeposit pwede sa 7-eleven (through 7-connect), Remittance Center ( Cebuana Lhuillier, Mlhuillier, Palawan Express etc), Globe Gcash, Cash Deposit ( BPI, BDO, Union Bank etc), Online Bank Transfer (BPI, BDO, Union Bank etc), ATM Deposit ( BPI, BDO etc) atbp. Pinakaconvenient dito ay ang 7-eleven dahil hindi mo na kaylangan pumila. At pagkasend palang ng cashier ay segundo lang ang bibilangin mo bago makatanggap ng confirmation na nakapagdeposit ka.


  • REFERRAL BONUS - Eto yung kapag nagverify ka palang ng ID verification ay may makukuha ka agad na 50 pesos. Libre ito. Makakakuha ka din ng 50 pesos kapag nakapagpasok ka ng bagong member. Pwede kang kumita dito ng hindi naglalabas ng pera. Ang kaylangan mo lang gawin ay ishare ang referral link mo sa iba.










Libre at madali ang paggawa ng account sa coins.ph. Ang kaylangan mo lang gawin ay iverify ang iyong email, phone number,identification at selfie verification. At kapag naverify mo na lahat. May bonus ka pang 50 pesos sa iyong peso wallet. Pwede mo itong iload agad o ibili ng bitcoin. Pwede mo rin magamit sa iyong Smart Phone ang coins.ph, idownload mo lang ang coins.ph sa google play. Para makagawa ka ng account sa coins.ph ay iclick mo lang ito coins.ph Registration .









" How to Get Started with coins.ph " video





" How to get ID and Selfie Verified on coins.ph " video





That's all .. :-) Sana may natutunan ka sa blog na ito , just feel free to comment below kung may questions ka .. Thank you for your time, welcome to coins.ph . 


That's all, :-)  

Happy Earnings !! God bless !! 


for any question add me / pm me on Facebook:  https://www.facebook.com/reid.akizuki



GENESIS TRASMONTE
    DIgital Investor/Cryptocurrency Trader






No comments:

Post a Comment