Monday, May 8, 2017

ANO ANG BITCOIN

Bitcoin to US Dollar
Bitcoin to Philippine Peso

( Ang mga images na nasa itaas ay ang realtime na presyo ng bitcoin as of May 09, 2017 )




Ano ba ang Bitcoin?


Ok nandito ka para malaman kung ano ba ang bitcoin. At alam kung may ilang katanungan sa iyong isipan kung ano ito, paano gamitin to, paano kikita dito at paano yayaman dito. Masuwerte ka dahil hinahanap mo ang mga sagot sa katanungang yan. Dahil sa katunayan iilang porsyento palang ng populasyon ang nakakaalam nito. At ang iba ay walang pakialam dito at walang interest na malaman ito.


Ang bitcoin ay isang uri ng salapi na hindi gumagamit ng papel. Gadget ( Smart Phone, Computer, Laptop, Super Computer etc ) ang kaylangan para magamit ito.Tinawag itong DIGITAL CURRENCY. Ano ang DIGITAL CURRENCY? Para mas lalo pa nating maintindihan. Alamin muna natin ang KASAYSAYAN ng SALAPI. Hatiin nalang natin sa tatlong bahagi. 


 3 STAGES/ AGES OF CURRENCY



  • COMMODITY  ( AGRICULTURAL AGE  ) - Dito nagsimula ang ideya ng salapi. Eto yung panahon ng pagpapalitan ng mga kalakal. Wala pang mga perang papel. Eto yung panahon ng BARTER. Kung saan ang manok ay pwedeng ipalit ng asukal, ang isang sako ng palay ay pwedeng ipalit ng kambing at marami pang iba. Depende sa napagkasunduan. Sa panahon nito ay wala pang sukli. At kaylangan magkasundo muna kayo ng interes kung ano ang kaylangan mo at ano ang kaylangan ng kapalitan mo. Napakataas ng halaga ng pang-agrikulturang lupain sa panahon na ito.


  • FIAT ( INDUSTRIAL AGE ) - Eto yung panahon na nagkaroon na ng mga FACTORY, MACHINE, BUILDING atbp. Ang pang-agrikulturang lupain ay bumaba ang halaga. Nagkaroon na ng pagawaan ng bakal, pagawaan ng papel at kung ano ano pa. Dito na nagsimula ang perang PAPEL. Dumami ang mga factory at nagkaroon ng mga empleyado. Kung saan ang mga sweldo ay ang perang papel. Perang papel ang ginamit na uri ng salapi sa buong mundo.


  • DIGITAL CURRENCY ( INFORMATION AGE ) - Sinasabing ito ang future ng currency natin. Kung saan hindi na tayo gagamit ng perang papel. Ang pawang gagamitin nalang natin ay ang ating mga gadgets para makabili ng produkto. Ngayong 21st Century ay nabubuhay na tayo sa Information Age. Tapos na ang Industrial Age ngunit ang ginagamit pa rin nating salapi ay panahon pa rin ng Industrial Age, ang perang papel.






Ano ang salapi?

Ang salapi ay kahit anong bagay o rekord na karaniwang tinatanggap bilang isang kabayaran para sa merkansiya o serbisyo at kabayaran para sa mga pautang sa isang bansa o isang socio-economic na konteksto. Ang pangunahing silbi ng salapi ay: isang kasangkapan ng palitan, isang unit of account, isang store of value, at karaniwan isang standard deferred payment. Kahit anong bagay na may patunay na rekord ay pwedeng magsilbi bilang isang salapi.

Ang pera ay isang imahinasyon lang. At ito ay isang ideya lamang. May ginagamit na ba na perang papel noong panahon ng industrial age? Wala. Noong panahon na yon ang ginagawa lang para makabili ng produkto o serbisyo ay sa PAKIKIPAGKASUNDO lamang. At ganon din sa perang papel eto ay pakikipagkasundo lamang. Tinatanggap ang perang papel dahil napagkasunduang ito na gamitin. Habang maraming tumatanggap nito ay mas lalo itong nagkakaroon ng halaga. At ganon sa ibang uri ng salapi kagaya ng Atm, Tseke, Online Banking, Token, Bitcoin atbp.



    Mayroong Dalawang Uri ng DIGITAL CURRENCY:

    •  VIRTUAL CURRENCY - Eto yung uri ng DIGITAL CURRENCY na kontrolado ng mga gumawa nito (developer). Ito ay maaari lamang gamitin sa mga kasapi ng isang virtual community. Isang halimbawa nito ay ang Amazon Chips.


    • CRYPTOCURRENCY - Eto yung uri ng DIGITAL CURRENCY na gumagamit ng Cryptography. Ang Cryptography ay isang secure na paraan para makapagpasa ng DIGITAL SIGNATURE sa pamamagitan man ng peer to peer transfer at decentralization.


        Ang BITCOIN ay isang uri ng cryptocurrency. Gumagamit ito ng BLOCKCHAIN o yung tinatawag na WORLD WIDE LEDGER. Ang world wide ledger ay ang pangkalahatang listahan ng mga transaksyon sa BITCOIN. Kagaya nga ng sabi ko kanina na ang salapi ay isang kasunduan lamang. Ang world wide ledger ay maihahalintulad sa isang pangkalahatang kasunduan.

        Peer to peer ang proseso sa paggamit nito. Ibig sabihin walang nasa gitna. Ito ay open source at walang sinuman ang kumokontrol nito. Kapag nagtransak ka sa BITCOIN kagaya ng pagpasa at pagtanggap ng bitcoin nagbabago ang listahan sa world wide ledger. 

        Example nito kapag nagpasa ka ng BITCOIN sa kaibigan mo. Sa ledger nya ay madadagdagan ang halaga ng BITCOIN dahil nakatanggap siya nito at sa ledger mo naman ay mababawasan ang BITCOIN dahil nagpadala ka nito. Ngunit hindi lang ledger nyo ang apektado. Dahil sa lahat ng libo libong ledger sa buong mundo ay nakalista din ang transaksyon nyo. Ibig sabihin sa ledger ko ay makikita kong nadagdagan yung sa kaibigan mo at makikita ko din na nabawasan yung sayo. Ang tawag dyan ay DECENTRALIZATION. Kapag mayroon mandaya ng record kagaya ng pagdagdag ng bilang ng bitcoin sa kanyang ledger ay hindi ito tatanggapin dahil makikita sa ibang libo libong ledger na wala siya ng bilang ng bitcoin na kanyang idenideklara. Ganyan kasecure ang bitcoin. Imposible itong peke-in.



        Peer to Peer


        Decentralize




        Sino nag-imbento nito?

        Inembento ito ng nagpakilalang Satoshi Nakamoto noong 2009. Ngunit hangang ngayon ay hindi pa rin malaman kung sino si Satoshi Nakamoto. Ang pangalang Satoshi Nakamoto ay isang hapon ngunit nang tignan ang kanyang mailing address ay sa Germany. Mayroong ilang kuro-kuro na ang nag-imbento daw nito at ng pangalang Satoshi Nakamoto ay nanggaling sa mga ibat ibang company. SAmsung TOSHIba NAKAmichi MOTOrola. Ngunit ito'y sabi sabi lamang.  


        Saan nanggagaling ang mga BITCOIN?



        Kung ay perang papel ay ginagawa. Ang BITCOIN ay dinidiskubre. Si Satoshi ang nag-imbento ng BITCOIN pero ang inembento nya ay ang sistema lamang. Kagaya ng ginto, ang BITCOIN ay hinahanap at minimina. Ang proseso ng pagmimina nito ay ang pag-sosolve ng mga mathematical problem, ang tinatawag na BLOCKS, ng paulit ulit at nakadesenyong maging mahirap habang dumadami nasosolve na blocks. Kung sinumang miner ang makasolve ng BLOCKS ay siya ang nabibigyan ng reward, ito ay ang bitcoin. Ang prosesong ito ay ang tinatawag na SOLVING THE BLOCK. Kapag nasolve na ang BLOCK ay uulitin ulit ang proseso ngunit mas mahirap na ang kaylangang isolve ng computer. Noong 2009 ay makakapagmina ka ng BITCOIN gamit lamang ang ordinaryong computer. Ngunit ngayon ay kaylangan na ng mga SPECIAL HARDWARE para makapagmina ng BITCOIN dahil nga mas mahirap na ang mga mathematical problem. Ang BITCOIN ay nakadesenyo lamang na may 21 million unit. At ang namimina na sa ngayon (June 2016) ay 15,616,875 o 74.37% na ng kabuoang bilang. Ang reward sa kada blocks ay nababawasan sa paglipas ng panahon.



        Halaga ng BITCOIN.



        ( Ang nasa itaas ay ang realtime na selling price ng BITCOIN. Kung mapapansin mo ang halaga nito ay mabilis magbago. )



        Paano nga ba nagkaroon ng halaga ang BITCOIN. Balikan natin yung Industrial Age. Halimbawa nito ay mayroon kang sampung troso na gusto mong ipalit ng kabayo. Kaylangan mo munang maghanap ng tao na mayroong kabayo at mapapayag siya na ipagpalit ang kabayo niya ng sampung troso. Kung hindi siya pumayag ibig sabihin ay walang halaga ang sampung troso mo para sa kanya. Ganyan din sa Fiat Currency, ito ay may halaga dahil tinatanggap ito ng gobyerno bilang pambayad ng ating mga buwis. Nagkakaroon lang ng halaga ang isang bagay kung mayroong tatanggap nito. 

        Nagkaroon ng halaga ang BITCOIN dahil maraming tumanggap nito. Tinangkilik ito sa maraming dahilan. Ilan dito ay, madaling magpadala ng pera, madaling makatanggap, walang charge kapag nagpadala, walang buwis, secure, tumataas ang halaga atbp. Noong June 2010 ang halaga lang ng BITCOIN ay 1 BTC = 3.70 pesos. Ngayon ( June 4 2016) ang halaga na ng BITCOIN ay 1 BTC = 26,394 php. Ibig sabihin kung bumili ka ng isang BITCOIN noong 2010 sa halagang 3.70 pesos at hinayaan mo lang yun na nakatago sa bitcoin wallet mo ng 4 years ay mayroon ka ng 26 394 pesos ngayon. 

        Madaling tumaas ang halaga ng BITCOIN dahil tinatanggap na ito sa buong mundo. Sumasabay ang teknolohiya dito. Mayroon na tayong BITCOIN ATM at mayroon na rin niyan sa Pilipinas sa may Makati. Mayroon na rin sa ibang bansa na BITCOIN DEBIT CARD. At inaasahang sa mga susunod na taon ay tataas pa ang halaga nito dahil sa pagtaas ng demand at sa pagbaba ng supply na namimina ngayon.



        Paano makakagamit ng BITCOIN.



        Para makagamit ka ng BITCOIN ay kaylangan mo muna ng BITCOIN WALLET. Ang BITCOIN WALLET ay isang digital wallet na kung saan magagamit mong imbakan ng iyong BITCOIN. Para itong isang ATM ONLINE BANKING na kung saan ay may access ka online anumang oras. Maraming bitcoin wallet sa buong mundo ngunit dito sa Pilipinas at Thailand ang pinakapopular ay ang coins.ph 



        Sa coins.ph makakapagpadala ka ng pera ng walang charge, makakatanggap, makakapagbayad ng bills ( Utilities, Credit Card, Broadband, Cable Channel Provider, SSS, Philhealth, Insurance, Tuition Fee atbp ), makakapagload (all network with 5% rebate), online shopping, withdraw at marami pang iba. Mayroon kang dalawang wallet sa coins.ph. Ang PESO WALLET at BITCOIN WALLET. Ang peso wallet ay ang katumbas na halaga ng pera mo sa peso. Ang bitcoin wallet naman ay ang katumbas na halaga ng pera mo sa BITCOIN. Madali lang magdeposit ng pera sa wallet. Sa coins.ph pwede kang magdeposit sa pamamagitan ng 7-Eleven, Bank through cash deposit ( BPI, BDO, Union Bank etc.), Bank through online transfer (BPI, BDO etc.), Globe Gcash, Remittance Center ( Cebuana Lhuillier, M Lhuillier, LBC etc.) atbp.



        Para sakin 7-Eleven ang pinakamadali dahil sa napakaraming branch nito at hindi mo na kaylangan pumila pa. Wala din dito extra charge. Tapos seconds lang after maisend ng cashier ay makakatanggap ka agad ng confirmation na nakapagdeposito ka na. Para naman makapagwithdraw ka ay pwede kang magwithdraw through Cash pickup (Cebuana Lhuillier, Palawan Express, Mlhuillier etc), Door to Door ( LBC, 2go etc),  Cardless ATM, Bank (BPI, BDO etc), Globe Gcash atbp.  Free ang paggawa ng account. At kapag nagsign-up ka at nagverify ng ID makakatanggap ka agad ng50 php sa iyong peso wallet. Kaylangan mo lang iverify ang iyong ID para makuha ang 50 php. 

        Eto po ang link sa Coins.ph  Register Here. Para sa iba pang impormasyon tungkol sa Coins.ph ay magbasa dito COINS.PH Tutorial Kung Paano ito Gamitin at Kung Paano Kumita Dito .


        Eto ang ilan pa sa mga btc wallet na pwede mong gamitin : 


        Coinbase (para sa bitcoin at ether coins)



        Xapo Wallet (nababagay na gamitin sa mga faucet sites)



        Kapag may BITCOIN WALLET ka na ay pwede ka na sa susunod na topic. :-)





        Paano Kumita sa Bitcoin?

        Maraming paraan para magkaroon ng BITCOIN. Merong libre mayroon ding may bayad. 


        MINING (SOLO MINING) 

        - Eto ang paraan kung saan ay gagamit ka ng mga Super Computer para makapagmina ng BITCOIN. Ang pagminina ng BITCOIN ay parang pagsosolve ng mga mathematical problem sa pamamagitan ng computer ng paulit-ulit. Habang papadami ang nasosolve na mathematical problem ay papahirap din ito. Noong nagsisimula palang ang bitcoin ay kahit simpleng computer ay pwedeng magamit sa pagmina ng BITCOIN. 

        Ngayon ay kaylanganna ng mga super computer para makapagmina. Ang mga basic na kaylangan sa pag-mimina ay super computer, mabilis na internet at murang kuryente. 

        Dahil dun hindi ito advisable na gawin sa pilipinas dahil bukod sa mahal, ay mabagal pa ang internet dito, pangalawa mahal ang kuryente at pangatlo 
        wala tayong mga manufacturer dito ng super computer.


        BITCOIN FAUCET 

        - Mayroong mga site na namimigay ng libreng BITCOIN. Ang kaylangan lang gawin ay gawin ang mga pinapagawa nila. Kagaya ng paglalaro ng games, pagclick ng mga ads, pagsolve ng Captcha, mag-intay sa timer na maubos at iba pa. Depende sa site na pupuntahan mo. 

        SATOSHI ang ibinibigay nila eto yung pinakamaliit na value ng BITCOIN. Ang isang Satoshi ay may katumbas na 0.0000001 BTC. Makakaipon ka ng BITCOIN dito kapalit lang ng oras mo. Kapag nakaipon ka na ng Satoshis ay saka mo palang itransfer sa Coins.ph wallet mo.
         Ang kaylangan mo lang ay tiyaga. 

         maraming Bitcoin faucets sa google , pero personally hindi ko sya aadvice sa inyo na salihan dahil hindi lang sa mabagal marami din ang scam faucets ...


        INVESTMENT SITES

        - I highly recommend joining ethrade , ito ay very legitimate investment site kung saan PWEDE KANG MAG INVEST MINIMUM OF 10 US DOLLARS at pwede ka
        pang kumita sa referral bonuses nila kung malakas ka maginvite :) may blog akong ginawa at tutorial at the same time for ethtrade, click mo ito .



        HYIP (HIGH YIELD INVEST PROGRAM)


        - Eto yung mga site na nangangako ng high return sa investment. 
        Iba-iba ang kanilang programa. Depende nalang kung saan ka sasali. Ang pagsali sa HYIP ay parang pagsali sa mutual fund. 

        Kung saan ay mayroong fund manager na hahawak ng pera mo at magdedesisyon kung saan ito iiinvest. Pwede nya itong ilagay sa cloud mining site, 
        itrade sa bitcoin exchange at iba pang investment. Maraming nag-oofer ng HYIP sa internet pero ang ilan dito ay mga scam. 
        Personally, HIGHLY NOT ADVISABLE . 


        CLOUD MINING 


        - Eto yung paraan ng pagmimina ng hindi ka bibili ng sarili mong hardware. Dahil nga malalaking Mining Business na ang makakalaban mo kapag nagtayo ka ng sariling Mining Farm ay malaki rin ang posibilidad na matalo ka sa kumpetisyon. Ang ideya ng cloud mining ay parang pagbili ng share of stock ng isang kumpanya, kung saan ay binibili mo ang maliit na bahagi ng kumpanya. 

        Ang kita ay nakadepende sa dami ng share na binili mo at sa kita ng kumpanya. Ganun din sa cloud mining. Ang mining farm ay nasusukat sa MINING POWER nito. Kung gusto mong maging kabahagi ng mining farm maaari kang bumili ng mining power sa kanila. At ang earning mo ay nakadepende sa dami ng power na nabili mo. Eto ang ilan sa popular na cloud mining site ngayon. 

        Free lang ang paggawa ng account kaya pwede ka nang gumawa ng account para mas lalo mo pang maintindihan ang sistema sa cloud mining.
        Pesonally hindi ako nagjojoin sa cloud mining, natatagalan kasi ako haha . kaya wala akong link na maibibigay , pero search nyo na lang sa google .


        REFERRAL BONUS 


        - Mayroong ilang mga sites na nag-oofer ng referral bonus kapag nakapagpasok ka ng bagong member sa kanila. Maaari kang kumita ng libre dito. Ang kaylangan mo lang ay computer o kaya smart phone na may internet connection. 
        Ishare mo lang ang referral link mo sa iba at kapag naging interesado sila at nag-register ay automatic na may kita ka. Nakadepende ang kita mo sa programa ng sinalihan mo. Sa coins.ph ang referral bonus ay 50 php sayo at sa napamember mo. 
        Sa ethtrade naman kapag naginvest yung nainvite mo minimum of 10 us dollars may makukuha kang daily bonus at purchase bonus sa kanila.


        Ngayong INFORMATION AGE nagbago na rin ang paraan para kumita ng pera. Kung dati noong panahon ng Industrial Age ay kaylangan mong magtrabaho, 
        pumasok sa malalaking company, akyatin ang corporate ladder, mamuhunan ng malaking pera. Ngayon ay hindi na halos kaylangan ito. Kahit sa bahay ka lang 
        at nakaupo ngayon ay kikita ka na. Ang kaylangan mo lang ay tamang impormasyon at kaalaman na sumasabay sa panahon. Mayroon ngang kasabihan na para manatili 
        kang bata ay dapat mayroon ka laging bagong kaalaman na sumasabay sa panahon. 


        Eto ang ilan sa mga kilalang tao na naniniwala sa bitcoin:


        "With e-currency based on cryptographic proof, without the need to trust a third party middleman, money can be secure and transactions effortless.” - Satoshi Nakamoto, Bitcoin developer

        “Bitcoin is Money Over Internet Protocol.” Tony Gallippi, BitInstant CEO

        “Bitcoin is Cash with Wings” - Charlie Shrem

        "Bitcoin is better than Currency" - Bill Gates


        " WHAT IS BITCOIN " VIDEO



        " HOW BITCOIN WORKS " VIDEO



        Sana nakatulong ito sa iyo. Kung may mga katanungan ka ay pwede kang magmessage sa personal Facebook account ko : click mo lang ito

        i highly recommend na basahin mo lahat-lahat ng post dito sa Blog ko, para maging matibay ang knowledge at foundation mo sa BITCOIN .

        Hindi lang pera ang iniinvest kaibigan para maging successful sa Bitcoin world, time and knowledge din .

        salamat sa pagbabasa , see you on my other posts ! :-)


        That's all, :-)  

        Happy Earnings !! God bless !! 


        for any question add me / pm me on Facebook:  https://www.facebook.com/reid.akizuki



        GENESIS TRASMONTE
            DIgital Investor/Cryptocurrency Trader 



        No comments:

        Post a Comment